Inilunsad sa bayan ng Asingan ang proyektong makakatulong sa lahat ng mga batang elementarya na hirap makabasa sa bayan.
Sa isang panayam kay Dr. Jimmy Laroya, ang District Supervisor 1 ng bayan ng Asingan, may ilan pa rin umanong mga bata sa bayan ang hindi marunong magbasa matapos ang dalawang taong online classes kung kaya’t naglatag ang kanilang tanggapan ng isang proyektong makakatulong sa mga batang nahihirapang magbasa.
Ang proyektong Project JSEF o Joy of Sharing Enlightenment Forever, kung saan magsisilbing itong learning recovery plan sa pamamagitan ng pagbasa ng mga batang nasa Kindergarten, grades 1-6.
Layunin ng programang ito upang matutukan at matungan ang mga batang hirap na makabasa para sa kanilang kinabukasan.
Samantala, siyam na paaralan sa distrito ang nakilahok sa nasabing programa.
Magiging katuwang at suporta ng programang ito ang lokal na pamahalaan ng bayan na mag-uumpisa ngayong buwan ng Nobyembre at magtatagal ng hanggang Mayo sa susunod na taon. | ifmnews
Facebook Comments