PROYEKTONG PAGPAPATAAS NG KALSADAHAN SA DAGUPAN CITY, UMPISA NA SA SUNOD NA PHASE NITO

Umpisa na ang konstruksyon ng proyekto ng DPWH na Road Elevation at Drainage Upgrade sa karugtong na phase ng nauna nang isinasaayos ngayon na bahagi, ang kahabaan ng AB Fernandez Ave. sa Dagupan City.
Nakapaglagay na muli ng ilang mga signages upang maipabatid sa publiko ang on-going construction ng nasabing proyekto.
Nabungkal na ang kailaliman na sakop ng kalsadahang isasaayos at ilang mga equipment na rin o kagamitan para rito ay inihahanda pa.

Una na ring ginagawan ng pwestong paglilipatan ang mga poste ng kuryenteng mababangga o maaapektuhan ng nasabing konstruksyon.
Matatandaan naman na nasa 1.5M naman ang sukat na naitalaga bilang nakikitang solusyon upang hindi na muling bahain umano ang mga pangunahing main roads sa lungsod lalo na sa panahon ng high tide season, pag-ulan at pagbagyo.
Samantala, nasa 70% na rin at malapit lapit nang matapos ang naunang konstruksyon ng mga proyekto sa kahabaan pa rin ng AB Fernandez, habang nagpapatuloy ang pagpapataas ng kalsadahan sa bahagi ng Arellano St., samantalang may Notice to Proceed na rin ang kahabaan ng Perez Blvd. at MH Del Pilar St. |ifmnews
Facebook Comments