Proyektong ‘PAMAKAN’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes, Isinasagawa

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes sa mga mamamayan nito.

Lahat ng pamilya sa barangay Kayvaluganan, Kaychanarianan at San Joaquin sa probinsya ay makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng ikalawang bugso ng PAMAKAN Project ng Provincial Government ng Batanes.

Ang bawat pamilya ay makakatanggap ng tig-25 kilong bigas, isang kilong karne, isang kilong monggo at 1 pack (700grams) na gatas.


Isusunod naman bukas, Enero 12, 2020 na mabigyan ng parehong tulong ang iba pang mga barangay gaya ng Kayhuvokan, San Antonio at Chanarian-Tukon.

Samantala, ang probinsya ng Batanes ay nananatiling COVID-19 free sa buong rehiyon dos.

Facebook Comments