PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA, IBINIGAY SA 4 BAYAN NG NUEVA VIZCAYA

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 2 ang ilang proyektong pang-imprastraktura sa apat na bayan sa Nueva Vizcaya.

Kabilang sa mga kumpletong proyekto ang 4.1-kilometer access road with reinforced concrete box culvert sa Brgy. Banila, Dupax Del Sur; 1.5 km. access road na may 300 metrong bahagi ng pathway sa Bua, Kasibu; 1.9 km. access road sa Balangabang, Kayapa; at ang 3.758 km. system pipeline ng irigasyon sa Parai, Dupax Del Norte.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, ang mga proyekto ay isang investment ng pamahalaan upang mabigyan ng mabilis tugon ang mga produkto na ibibiyahe mula sakahan patungo sa merkado.

Sa kabila ng suporta ng mga lokal na pamahalaan sa National Greening Program, hiniling naman ni DENR Director Bambalan ang kooperasyon upang paigtingin ang pangangalaga sa kagubatan gayundin ang anti-illegal logging sa probinsya.

Samantala, nangako ang mga mamamayan na akuin ang responsibilidad sa pagpapanatili at pagprotekta sa mga proyekto.

Ang P82 milyon na nagkakahalaga ng agroforestry support facility ay itinayo sa ilalim ng Forestland Management Project ng ahensya.

Facebook Comments