Proyektong tree planting ng Radio Mindanao Network, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang tree planting project ng Radio Mindanao Network (RMN) kasunod ng pagdiriwang sa International Volunteer Month.

Kasamang nakiisa ang RMN employee kasunod ng inisyatiba sa isa sa mga proyekto sa ilalim ng programang “Lingap Kalikasan” ng RMN Foundation.

Nasa 70 na mga empleyado ng iFM 93.9 Manila, DWWW 774, DZXL News, at partnership ng Inner Wheel Clubs of the Distrito ng Pilipinas 383 ang nakapagtanim ng higit 1,000 na mga puno.


Sa tulong at pag-alalay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Red Cross naging maganda ang daloy ng pagtatanim sa mga seedling ng fruit yielding trees at indigenous trees gaya ng rambutan, langka, guyabano, narra at kape.

Samantala, nagpasalamat naman ang RMN sa suporta at pagsisikap sa Sustainable Development Goal (SDG) bilang pakikiisa sa pagpapaganda ng klima sa bansa at tulong upang mapangalagaan pa ang kalikasan.

Facebook Comments