Tuesday, February 3, 2026

Proyektong tututok sa kita ng magsasaka at seguridad sa pagkain sa Oriental Mindoro, papalakasin ng DA

Papalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang mga programa na nakatutok sa sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro.

Ayon sa DA na ang mga proyektong ito ay bahagi ng kanilang mas malawak na hakbang upang gawing mas episyente ang agricultural value chain at tiyaking may sapat, abot-kaya, at de-kalidad na pagkain para sa mga Pilipino.

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagpapasinaya ng 33.5 milyong pisong Oriental Mindoro Trading and Consolidation Facility (OMTCF) sa naturang probinsya.

Ang nabanggit na pasilidad ay magsisilbing sentrong imbakan, pagproseso, at distribusyon ng mga produktong agrikultura.

Kasabay ng pagbubukas ng bagong pasilidad inilunsad ang Provincial Demo Farm at Provincial Agriculture Center (PAC), na magbibigay ng suporta sa agriprocessing, value-adding, at market linkage upang maging mas competitive ang mga lokal na produkto at mas tumatag ang suplay ng pagkain sa lalawigan.

Bukod pa rito, papalawigin din sa Oriental Mindoro ang ₱20 ‘Benteng Bigas, Meron Na!’ Rice Project sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo, na inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 70,000 kabahayan.

Facebook Comments