Aakuin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong responsibilidad kung ang kanyang mga kaalyadong sina Senator Bong Go at Senator Bato Dela Rosa ay nagpakita ng hindi magandang asal.
Pero tiniyak ng Pangulo ang integridad at kakayahan ng dalawang senador.
Pinagsabihan din ng Pangulo si Senator Go na magpasalamat sa publiko sa pagkapanalo niya sa senatorial elections.
Binanggit din ng Pangulo na isang ‘fundamentally honest’ si Senator Dela Rosa.
Matatandaang pumangatlo si Go sa senate race na nakalikom ng 20.6 million votes habang si Dela Rosa ay nasa panglimang pwesto na may higit 19 milyong boto.
Facebook Comments