PRRD, aminadong ‘di natupad ang pangakong tapusin ang problema sa illegal drugs

Aminado ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na naging mayabang siya nang sabihing kaya niyang tapusin ang problema sa iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng anim na buwan.

Sa kanyang talumpati sa mga opisyal ng barangay sa Legazpi City, Albay, sinisi ng Pangulong Duterte ang sistema at mga tao sa gobyerno kung saan sa halip na maging katulong niya ang mga ito sa pagsugpo sa problema sa drug smuggling ay sila pa ang sangkot sa iligal na mga transaksyon.

Sinabi pa ng Pangulo na si dating Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi sa kanya ng katotohanan na ang totoong kalaban ay ang mga naka-pwesto sa gobyerno.


Ayon sa Pangulo, ano ang kanyang magagawa kung ang pumapatay mismo ay ang mga nasa likod ng kalakalan ng droga pagkatapos ay isisisi sa pamahalaan ang pagkamatay ng mga drug suspects.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang lahat ng sangay ng pamahalaan partikular na ang customs na gawin ang kanilang mandato para sa ika-uunlad ng bansa.

Facebook Comments