Hindi inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura sa pagkasenador si Jinggoy Estrada.
Nabatid na wala si Estrada sa proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte Bulacan kahapon, February 14.
Tanging ikinampanya lamang ng Pangulo ang limang pambato ng partido na sina: dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, dating Special Assistant to the President Bong Go, dating Presidential Political Adviser Francis Tolentino, Maguindanao Governor Rajid Mangudadatu at Senator Koko Pimentel.
Bukod dito, inendorso rin ng Pangulo ang anim na itinuturing na “guest candidates” na sina: Cynthia Villar, Sonny Angara, JV Ejercito, Taguig Representative Pia Cayetano, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at singer na si Freddie Aguilar.
Mismo na ang Pangulo ang nagsabi na hindi niya ine-endorso si Estrada.
Nang tanungin ang Pangulo kung bakit hindi niya inendorso sina Estrada, maging si dating Senator Bong Revilla, sagot lamang ng Pangulo na huli na para sila ay ikampanya.