PRRD, aminadong hindi na nakakalapit sa madla dahil kailangang sundin ang security protocol ng PSG

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kontrol sa security arrangements na inilalatag ng kanyang Presidential Security Group (PSG).

Ito ay ang sinabi ng Pangulo habang nagtatalumpati na may bullet-proof glass kasabay ng campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon.

Ayon sa Pangulo – may nagbabanta sa kanyang buhay pero ang buhay aniya ay swerte-swerte lang.


Dagdag pa ng Pangulo na kahit gusto man niyang maging malapit sa madla, kailangan niyang sundin ang payo sa kanya ng PSG na magkaroon ng “safe distance” para sa kanyang proteksyon.

Facebook Comments