Wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa Pangulo, kailangan niya ng ‘honest person’ na mamumuno sa pambansang pulisya.
Sakaling wala mahanap ang Pangulo, posibleng siya na lang ang mamumuno sa PNP.
Kahit aniya na isang kaso ng katiwalian ay hindi niya ito itatalaga sa naturang pwesto.
Matatandaang nagbitiw si datng PNP Chief Oscar Albayalde nitong Oktubre kasunod ng kontrobersiya sa Ninja Cops at Drug Recycling.
Ang DILG ay nagsumite na ng shortlist kay Pangulong Duterte ng mga inirerekomendang susunod na PNP Chief.
Kabilang dito sina, Police Lt/Gen. Camilo Cascolan, Police Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, at Police Major Gen. Guillermo Eleazar.
Si Gamboa ang kasalukuyang Officer-In-Charge ng PNP.