Manila, Philippines – Nanghihinayang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo niya bilang pinuno ng bansa dahil kailangan niyang sibakin ang karamihan sa kanyang mga kaibigan na nakitaan niyang dawit sa iregularidad sa gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa 72nd Anniversary Celebration ng Philippine Air Force (PAF), sinabi ng Pangulo na ang mga sinibak niya ay mga sumuporta sa kanya sa pagka-alkalde noong 1988.
Ilan din aniya sa mga ito ay tumulong sa kanya sa kanyang presidential bid.
Muli ring ipinunto ng Pangulo na kailangang mawaksi ang korapsyon sa gobyerno
Hinimok din ng Pangulo ang mga mahistrado na itigil ang madalas na pag-iisyu ng injuctions lalo na sa mga criminal case, kapalit ang bribe money.
Facebook Comments