PRRD, aminadong naging atrasado ang “Build Build Build” Program

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na ang bumabagal ang usad ng “Build, Build, Build” Infrastructure Program ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo – kulang ang skilled workers sa bansa na kailangan sana sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Aniya, karamihan sa mga skilled worker ay umaalis ng bansa para magtrabaho abroad.


Kaya, nanawagan ang Pangulo sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na mag-aral na lang sa TESDA o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at isuko na lang ang kanilang armas.

Una nang sinabi ng Malacañang, na kaya marami ang Chinese workers sa Pilipinas ay dahil kulang ang skilled Filipino workers sa bansa.

Facebook Comments