Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahirapan siya sa pagresolba ng agawan ng house speakership sa 18th Congress.
Ginunita ng Pangulo na nakiusap pa siya kay dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na pumili ng kanyang successor at nagbirong ibabalik niya ito sa kulungan kung hindi siya makakapili.
Iginiit ng Pangulo – na ayaw niya talagang pumili sa mga naglalaban-laban sa posisyon, na itinuturing niyang mga kaibigan.
Matatandang inanunsyo ng pangulo ang term sharing sa speakership sa pagitan nina Taguig Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Si Leyte Representative Martin Romualdez naman ay susunod na majority leader.
Facebook Comments