Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte na sa kabila ng taon-taong pagdiriwang ng Labor Day ay hindi pa rin nagbabago ang hinaing ng mga manggagawa sa bansa at marami pa rin ang pinipiling mangibang bansa at lumayo sa kanilang mga pamilya para doon magtrabaho.
Sa mensahe ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na nakikiisa siya sa pagdiriwang ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa ngayong Labor Day.
Sinabi ng Pangulo na ang lakas ng bansa ay nakasandal sa pagpupursige ng labor force ng Pilipinas na kinikilala sa selebrasyon ng Labor Day ngayong araw.
Umaasa din naman si Pangulong Duterte na gagawa ng mga kongkretong hakbang ang mga mambabatas para magkaroon ng batas na magbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa lalo na sa usapin ng security of tenure at self-organization.
Umaasa naman si Pangulong Duterte na magiging inspirasyon ang pagdiriwang ngayon ng Labor Day sa pagkakaroon ng mas magandang environment para sa mga manggagawa sa bansa para magkaroon ng development, personal at professional growth.