PRRD at Atty. Sal Panelo, nagpulong; imbitasyon ng quad committee, hindi sisiputin

Kinumpirma ni dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na nagpulong sila kahapon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, sinabi ni Panelo na ang tanging napag-usapan nila ng dating pangulo ay ang imbitasyon ng quad committee kaugnay sa isyu ng war on drugs.

Dagdag pa ni Panelo, sinabi ni PRRD na pawang mga hearsay lang ang mga ipinahayag sa quad committee.


Hindi rin naman umano napag-usapan ang kaso ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil naglabas naman na ng statement is PRRD kaugnay dito.

Tinawag naman ni Panelo na unconstitutional at assault ang ginawang paglusob ng sangkatirbang pulis sa KOJC compound.

Facebook Comments