PRRD at Pres. Sirisena, kapwa batid ang banta ng ilegal na droga

Manila, Philippines – Kapwa sumang-ayon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sri Lankan president Maithripala Sirisena na malaking banta sa kani-kanilang bansa ang ilegal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte – ang Pilipinas at Sri Lanka ay may common challenges at shared interest.

Pinuri naman ni Sirisena ang war on drugs ni Duterte kahit pinupuna ito ng local at international community.


Dagdag pa ni Sirisena, aatasan niya ang kanyang militar para tugunan ang problema ng droga ng kanilang bansa.

Sa huli, inimbitahan din ni President Sirisena si Pangulong Duterte na bumisita sa kanilang bansa.

Facebook Comments