Nakatakdang magpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Singapore President Halimah Yacob sa Malacañang mamaya.
Ayon sa Malacañang, sesentro ang bilateral meeting ng dalawang lider ng estado sa pagpapaigting ng interes at ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa politika, economic, cultural at people to people engagement.
Inaasahan ding lalagda sa ilang kasunduan sina Pangulong Duterte at President Yacob na makatutulong umano para sa dalawang bansa.
Si Halimah ay dumating sa Pilipinas kahapon para sa limang araw na state visit.
Siya ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Singapore at kasabay ng pagbisita niya sa bansa ang ika-limampung anibersaryo ng pagkakaroon ng diplomatic ties ng Pilipinas at Singapore.
Bukod sa pakikipagpulong sa Pangulo, inaasahang haharapin din ni Yacon ang Philippines-Singapore Business Council at bibisita sa Davao City.