PRRD, babalik na ng bansa matapos ang 5 na pagbisita sa Russia

Nasa sampung business deals ang nilagdaan ng Pilipinas at Russia sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkakahalaga ng 12.57-million dollars o katumbas ng ₱650 million ang mga business agreements.

Kabilang dito ang:


  • posibleng kooperasyon sa pagtatayo ng nuclear power plants
  • pagpapalitan ng impormasyon
  • collaboration sa pagpapaunlad ng negosyo
  • pagsu-suplay ng tuna, sardines at coconut products sa Russia at;
  • pagbebenta naman ng mga Russian-made watches, vehicles at medical technologies sa Pilipinas

Sa dinaluhang forum ng pangulo, sinabi nitong ang Russia ay prayoridad at investment market para sa Pilipinas.

Pinasalamatan din niya ang pinuno ng Russia sa pagbuhay sa bilateral relation ng dalawang bansa na ngayon aniya’y namumunga na.

Inimbitahan din niya ang mga negosyante sa russia na mamuhunan sa Pilipinas at nag-alok ng fiscal at non-fiscal incentives.

Samantala, ngayong araw babalik na ng bansa ang pangulo matapos ang pagbisita sa Russia.

Facebook Comments