Nakauwi na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos dumalo ng 35th ASEAN Summit sa Thailand.
Dumating ang eroplano ng Pangulo sa Villamor Airbase kaninang alas-12:00 ng hatinggabi.
Sa tatlong araw na Summit, tinalakay ng mga lider ng Regional Bloc ang mga isyu na nakatutok sa pagsusulong ng Inclusive At Sustainable Development, pagtugon sa Climate Change, Marine Pollution at iba pang Environmental Issues.
Napag-usapan din ang ilang economic items, kabilang ang China-Backed Trade Pact na tinatawag na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Hindi naman dinaluhan ni Pangulong Duterte at iba pang lider ang US-ASEAN Meeting.
Tanging si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha na siyang Chairperson ng Summit ngayong taon, Lao Prime Minister Thongloun Sisoulith at Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ang dumalo sa meeting kasama si US National Security Adviser Robert o’ Brien.
Si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. ang naging kinatawan ng Pilipinas sa nasabing meeting.