PRRD, bibigyan ng premyo ang PDEA matapos mapatay sa anti-drug operation ang supplier ng party drugs

Magbibigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng ₱1.5 million sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay kasunod ng drug operation sa Maynila na ikinamatay ng negosyanteng si Steve Pasion.

Si Pasion, ay bigtime party drugs supplier ng celebrities at models.


Ayon sa Pangulo – sinabi sa kanya ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang numero unong distributor ng ecstasy sa bansa ay namatay sa engkwentro.

Sa ulat ng PDEA, aarestuhin sana si Pasion sa kanyang condominium unit nang agawin nito ang baril ng isang PDEA agent na nauwi sa shootout.

Sa ngayon, binabantayan na ng PDEA ang dalawang artistang parokyano ni Pasion matapos makita ang mga transaksyon nito sa cellphone ng negosyante.

 

 

Facebook Comments