PRRD bibisita sa mga biktima ng lindol ngayong araw

Bago matapos ang taon puspusan pa rin sa pagtatrabaho si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw nakatakdang bisitahin ng Pangulo ang mga biktima ng lindol sa North Cotabato.

Inaasahang mamimigay ng tulong ang Pangulo at kakamustahin ang mga naapektuhan ng pagyanig na kasalukuyang nagkakanlong sa M’lang National High School Covered Court, Brgy. Poblacion B, North Cotabato Province.


Sunod namang dadalawin ni Pangulong Duterte ang iba pang mga biktima ng lindol sa Davao del Sur at inaasahan ang pamamahagi nito ng cheke sa mga naapektuhan din ng pagyanig.

Matatandaang magkakasunod ang nangyaring lindol sa Cotabato province, Davaol del Sur at iba pang bahagi ng Mindanao kung saan hindi bababa sa 20 katao ang nasawi at nag-iwan ng malaking pinsala sa Mindanao.

Facebook Comments