PRRD, bibisitahin ang Jolo, Sulu ngayong araw

Bibisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Jolo, Sulu kasunod ng nangyaring pagsabog kahapon na ikinamatay ng nasa 18 habang higit 80 ang sugatan.

Ayon kay dating presidential aide Bong Go – batid ng Pangulo ang insidente kaya pupuntahan niya ang lugar.

Una nang kinondena ng Malacañanang pangyayari kung saan tiniyak ng mga ito na papanagutin ang sinumang nasa likod ng kambal na pagsabog.


Samantala, nanawagan din ng agarang hustisya si Vice President Leni Robredo at tiniyak na tutulong ang kanyang tanggapan para matulungan ang mga biktima ng pagsabog maging ang mga naulilang pamilya nito.

Facebook Comments