PRRD, bilib kay Mayor Isko Moreno

249

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang effort ni Manila Mayor Isko Moreno na linisin ang Maynila at istriktong ipatupad ang mga ordinansa sa lungsod.

Sa press briefing sa Malacañang kagabi sinabi ng Pangulo na bilib siya kay Isko at katunayan, mas mahusay raw ang alkalde kaysa sa kanya.


Matatandaang sa unang araw pa lang ng pag-upo bilang mayor ng Maynila, agad na pinuntirya ni Mayor Isko ang paglilinis sa mga kalsada sa lungsod.

Ipinag-utos din nito ang isktriktong pagpapatupad sa mga ordinansa gaya ng curfew at lumagda rin ng kasunduan sa isang fastfood chain para mag-employ ng mga senior citizen at PWDs.

Pinasalamatan naman ng alkalde si Pangulong Duterte na itinuturing daw niyang inspirasyon.

Facebook Comments

From Advertisers