Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binalaan nito ang isang alkalde sa lalawigan ng Albay na umano ay nang-haharass sa biyuda ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Sa kanyang naging talumpati sa Kidapawan, Cotabato sinabi ni Duterte na huwag takutin ng isang hindi pinangalanang Mayor si Gertie Duran Batocabe,
Una na rito ay tatakbo sanang Alkalde si Batocabe sa Daraga, Albay ngayong 2019 midterm elections, bago siya tinambangan at pinagbabaril noong nakaraang linggo.
Matatandaang sinabi ri ni Pangulong Duterte na malinaw na pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Rep. Rodel Batocabe.
Facebook Comments