Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese national na pupunta ng Pilipinas.
Sa kaniyang talumpati sa business forum sa Beijing – sinabi ng Pangulo na papatayin niya ang mga Chinese na pupunta ng Pilipinas na sangkot sa illegal drug trade at iba pang krimen.
Pero kung sumusunod naman aniya sa batas ang mga Chinese gaya ng mga negosyante ay poprotektahan pa sila ng gobyerno.
Kasabay nito – hiningi ng Pangulo ang tulong ng China sa pagtugon sa mga krimen sa Pilipinas na kinasangkutan ng mga Chinese nationals.
Nais aniya niya ang kooperasyon ng China para sa mga kaso sa bansa na kinabibilangan ng kanilang mga mamamayan.
Partikular na rito ang tumataas na kaso ng kidnapping sa mga Chinese na dinudukot ng kapwa nila Chinese dahil sa pagsusugal.