PRRD, binanatan ang ekonomistang si Winnie Monsod

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ekonomistang si Winnie Monsod kasunod ng inilathala niya sa kanyang column patungkol sa poverty statistics na inilabas ng gobyerno.

Base sa December 14 Column, pinuri ni Monsod ang Duterte Administration dahil aabot sa 5.9 Million na katao ang naiahon sa kahirapan mula 2015 hanggang 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ayaw ng Pangulo na pine-‘patronized’ siya.


Nakakagulat aniya na tila todo-papuri ngayon si Monsod sa Pangulo.

Mula nang maupo sa pwesto ang Pangulo, wala sinabing maganda si Monsod pero tila bigla na lamang siyang bumaligtad.

Tinawanan lamang ni Monsod ang mga pahayag ng Malacañang at iginiit na hindi siya magko-komento para rito.

Facebook Comments