PRRD, binanatan ang mga journalist na nagsasagawa ng “AC/DC”

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamahayag na nagsasagawa ng tinatawag na “AC/DC” o attack-collect / defend-collect practice.

Ito ay pag-atake o pag-depensa sa isang tao kapalit ang bayad lalo na ngayong campaign season.

Ayon sa Pangulo – tumatanggap ng bayad ang mga ito mula sa kanilang mga kliyente para magsulat ng political attacks.


Hinimok ng Pangulo ang publiko na huwag maniwala sa mga istoryang ginagawa ng mga ito.

Hindi rin nakaligtas sa Pangulo ang mga journalist na pinoprotektahan ang mga mayayaman habang inaatake ang mga public servant.

Minaliit muli ng Pangulo ang mga ulat tungkol sa kanyang yaman at idinipensa ang kanyang pagkakaroon ng law office at motorcycle trading.

Iginiit ng Pangulo anumang perang kinikita sa labas ng gobyerno ay hindi na dapat pinakikialaman.

Facebook Comments