PRRD, binatikos ang black propagandang nag-uugnay sa kanyang bunsong anak sa illegal drugs

Niresbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gumawa ng black propagandang isinasangkot ang kanyang bunsong anak na si Veronica sa ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Tuguegarao City kagabi – nagbanta ang Pangulo na ilalabas ang foreign intelligence report kung saan nakadetalye ang koneksyon ng human rights groups sa likod ng mga pag-atake laban sa kanya.

Sinabi pa ng Pangulo na ang human rights groups na kritiko ng kanyang gobyerno na minamanmanan ng isang foreign entity.


Aniya, pinaplantsa na lamang niya ang dokumento at isasapubliko niya ito.

Base sa video series na, “Ang Totoong Narcolist”, inakusahan ng dating miyembro ng sindikato sa droga na nagngangalang ‘Bikoy’ ang anak ng Pangulo na si Veronica at ang common law partner nito na si Honeylet Avanceña na tumatanggap ng bayad mula sa illegal drug trade at idinedeposito ang mga transaksyon nito sa mga bangko sa Hong Kong.

Una nang dumipensa si Honeylet sa mga ibinabatong akusasyon.

Facebook Comments