PRRD, binigyan ng “Blanket Authority” si DILG Sec. Eduardo Año sa PNP  

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘Blanket Authority’ si DILG Sec. Eduardo Año para alisin ang korapsyon sa Philippine National Police (PNP) habang wala pang napipiling mamumuno para rito.

Umaasa ang Pangulo na mareresolba ni Año ang mga problema sa pambansang pulisya lalo na ang katiwalian.

Aniya, nakasalalay kay Año kung ano ang magiging kinabukasan ng PNP.


Aminado ang Pangulo na hirap pa rin siyang makapili ng susunod na PNP Chief habang may bumabalot na kontrobersiya ang institusyon.

Kabilang sa mga nominado sa liderato ng PNP ay sina: Lt/Gen. Archie Fransico Gamboa; Lt/Gen. Camilo Cascolan; at Major Gen. Guillermo Eleazar.

Facebook Comments