Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ASEAN member countries na magdoble kayod para maresolba ang mga malalaking issue sa seguridad sa rehiyon.
Sa ASEAN Plenary Intervention ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi nito na dapat ay magkaisa at isulong ng lahat ng ASEAN countries ang mga solusyon sa banta sa seguridad at magkaroon ng pinal na kasunduan o plano kung paano ito gagawin.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang problema sa terorismo, violent extremism, transnational crime at illegal drug trade ay patuloy na nagiging banta sa seguridad ng bawat bansa sa ASEAN region.
Paliwanag pa ng Pangulo, sinisira nito ang mga pamilya at apektado din ang paglago ng ekonomiya ng bawat bansa na pinaghihirapan ng lahat.
Kaya naman sinabi ng Pangulo na hindi ito dapat isantabi ng mga bansang miyembro ng ASEAN.