PRRD, biniro si VP Robredo dahil sa hindi nito pag-ngiti sa kanya

Pabirong pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo dahil sa hindi nito pag-ngiti sa kanya sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) mabalasik Class of 2019 sa Baguio City.

Sa talumpati ng Pangulo, tinanong nito si Robredo kung bakit hindi man lang ngumiti samantalang dati ay ngumingiti naman sa kaniya.

Pero bago pa man magsimula sa kaniyang talumpati, kinamayan muna ni Duterte si Robredo.


Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Pangulong Duterte at VP Robredo matapos idawit ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ na si Robredo, Liberal Party (LP) at Senador Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto sa punong ehekutibo.

Facebook Comments