PRRD binisita at binigyang pagkilala ang mga sundalong nasugatan sa pagsabog sa Cotabato City

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang mga biktima ng pagsabog sa Cotabato City nuong Linggo.

Partikular na nagtungo ang Pangulo sa Camp Siongco Station Hospital sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at nagpaabot ng tulong sa mga sibilyan at sundalong nasugatan sa nasabing pagsabog.

Pinagkalooban ng cash incentives at ginawaran ng Order of Lapu-Lapu-Rank of Kampilan ang 4 na sundalong nasugatan na kinilalang sina Sergeant Ariel Joaquin, Corporal Genesis Mansalon, Private First Class Cris John Figueroa at Private Ian Villaruel.


Binigyan din kaparehong pagkilala sina Corporal Alexander Flauta at Corporal Alvin Samama matapos magtamo ng blast injuries makaraang makasagupa ang teroristang grupo sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nuong November 28.

Una nang kinundena ng Palasyo ang serye ng pagsabog sa Cotabato city at Maguindanao kung saan 22 ang naitalang sugatan.

Nangako din ang Pangulo na mananagot sa batas kung sinumang grupo ang nasa likod nito.

Matatandaang dinaluhan kahapon ng Pangulo ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na ginanap sa Bangsamoro Governm ent Center sa Cotabato City.

Facebook Comments