PRRD, bukas na bigyan ng cabinet position si Sen. JV Ejercito

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng cabinet position si Senator JV Ejercito na hindi pinalad na makabalik sa Senado sa 18th Congress.

Si Ejercito ay isa sa mga inendorso ng Pangulo noong kampanya para sa midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Tokyo, Japan – sinabi ng Pangulo na nanghihinayang siya na hindi nakapasok si Ejercito.


Samantala, handa namang tanggapin ni Ejercito ang anumang alok na makapagsilbi sa Duterte cabinet.

Sa ilalim ng konstitusyon, ang mga natalong kandidato ay maaari lamang makaupo sa government post isang taon pagkatapos ng eleksyon.

Facebook Comments