Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng sariling militar ang Bangsamoro Autonomous Regon In Muslim Mindanao (BARMM).
Sa kanyang talumpati sa Cotabato City, sinabi ng Pangulo na bagamat mapayapa ang bagong tatag na rehiyon, nananatili pa ring umaaligid at nagtatago ang mga terorista.
Hinimok din ng Pangulo ang BARMM Government na bumuo ng mga polisiya na mapapakinabangan ng mga mamamayan nito.
Dapat mag-‘evolve’ ang BARMM bilang isang ‘Functional Regional Autonomous Government.’
Matatandaang isinusulong ni Pangulong Duterte ang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa mindanao sa pamamagitan ng pagtatag ng BARMM sa ilalim ng pagkakapasa ng Bangsamoro Organic Law noong Hulyo ng nakaraang taon.
Sa ilalim ng BARMM, pinalawak ang Land at Water Jurisdiction, Fiscal Autonomy at malaki ang natatanggap na bahagi mula sa National Government Resources.