PRRD, bumanat sa kanyang mga kritiko

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga kritiko na nagpapakalat ng balita na naospital siya at mayroong matinding karamdaman.

Sa talumpati ng Pangulo sa oath-taking ng mga bagong government officials kahapon, sinabi nito na lahat na ng uri ng sakit sa mundo ay itinapon na sa kanya ng kaniyang mga kritiko.

Matatandaang kumalat sa social media na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Duterte matapos ang May 13 midterm elections bagay na pinabulaanan ng Malacañang.


Facebook Comments