PRRD, buo pa rin ang tiwala kay TESDA Dir. Lapeña

Nananatiling tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay TESDA Director General Isidro Lapeña.

Ito ay sa kabila ng kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Lapeña sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa P11 bilyong shabu shipment.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maituturing pa ring inosente si Lapeña sa mga akusasyon dahil wala pa namang pinal na hatol ang korte.


Aniya, personal na kakilala ng Pangulo si Lapeña at alam nito ang kanyang kakayahan.

Facebook Comments