Tuloy ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea ngayong buwan para dumalo sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit.
Ang Summit ay gaganapin sa Busan mula Nov. 25 hanggang 26 para gunitain ang 30th Anniversary ng Dialogue Partnership sa pagitan ng Regional Bloc at ng South Korea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting ang Pangulo kay South Korean President Moon Jae-In.
Mapapag-usapan ng dalawang lider ang kalakalan, seguridad at iba pang concerns ng Pilipinas at South Korea.
Huling bumisita ang Pangulo sa South Korea noong Hunyo 2018.
Facebook Comments