PRRD, dapat akuin ang command responsibility sa mga pahayag nito – Joma Sison

66

Tinawag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder, National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Jose Maria Sison na “psychopath” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ng Pangulo sa mga pulis na bumuo ng special unit kontra sa NPA sparrow units.

Ayon kay Sison – dapat tanggapin ng Pangulo ang command responsibility sa mga pahayag nito.

Aniya, tila umabot na sa puntong nabaliw na ang Pangulo dahil sa mga isinasagawa niyang serial killings, sa kanyang kapangyarihan at sa paggamit ng fentanyl.

Nanindigan din ang CPP leader na hindi dapat ikinukumpara ng Pangulo ang armed minions nito sa revolutionary squads ng NPA.

Facebook Comments