PRRD, dapat magtalaga ng bagong associate justice bago mag-Feb. 26

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary at Judicial and Bar Council ex-officio member Menardo Guevarra na dapat mag-appoint ang Pangulong Duterte ng bagong associate justice ng Korte Suprema bago sumapit ang February 26.

Ito aniya ay ang eksaktong ika-siyamnapung araw matapos bakantehin ni Chief Justice Lucas Bersamin ang kanyang associate justice post nang mahirang bilang punong mahistrado.

Kahapon, naglabas na ang JBC ng bagong shortlist at isinumite na sa Malakanyang.


Sa nasabing shorlist ng JBC, kapwa nakakuha ng anim na boto sina Court of Appeals Justices Edgardo De Los Santos at Amy Lazaro-Javier.

Tig limang boto naman sina Court of Tax Appeals Presiding Justice Roman Del Rosario, CA Justices Japar Dimaampao at Ramon Garcia.

Tig 4 na boto naman sina Sandiganbayan Justice Amparo Cabotaje-Tang, CA Associate Justices Henri Inting, Jhosep Lopez, Mario Lopez, Court Administrator Jose Midas Marquez, CA Associate Justices Eduardo Peralta at Ricardo Rosario, gayundin si Atty. Cesar Villanueva.

Facebook Comments