Davao City – Nagsilbing ‘Santa Claus’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga cancer patient ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.
Base sa mga ipinadalang litrato ng Malacañang, makikita ang Pangulo na naghahandog ng regalo sa mga bata na nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Nakipag-usap din ang Pangulo kay SPMC Chief Leopoldo Vega at game din makipag-picture kasama ang ilang hospital staffs.
Ayon kay dating presidential aide na si Bong Go – binigyan ng Pangulo ng laruan, pagkain at cash ang mga pasyente maging ang kanilang pamilya.
Umabot ang higit tatlong oras ang pananatili ng Pangulo sa ospital makasama ang mga bata.
Facebook Comments