Pasay City – Ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commission on Audit (COA) dahil sa pagkaantala ng ilang mahahalagang proyekto ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, binatikos ng Pangulo ang accountability rules ng COA sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Biro ng Pangulo, dapat dukutin at pahirapan ang mga taga-COA.
Nagbabala rin ang Pangulo sa mga korte sa paglalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) sa pagpapatupad ng government projects.
Aniya, ang TRO ay dapat nakabase sa legal grounds.
Una nang sinabi ng Malacañan na ipinapahayag lamang ng Pangulo ang kanyang concern tungkol sa spending limitations.
Facebook Comments