PRRD, dumalaw sa burol ni dating House Speaker Prospero Nograles

Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating House Speaker Prospero Nograles sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Sa mga larawan mula sa Malacañang, makikita ang Pangulo sa tabi ng kabaong ng nakatatandang Nograles habang kausap ang pamilya nito.

Bagama’t nagkaroon ng hidwaan, naging magkaibigan muli sina Pangulong Duterte at Nograles nitong mga nakalipas na taon.


Sa inilabas na pahayag ng Pangulo kahapon, sinabi nito na ang legacy ni Nograles bilang leader at boses ng mga Pilipino ay mananatiling inspirasyon sa mga politiko para maglingkod sa bayan.

Samantala, bukas dadalhin ang labi ng dating house speaker sa Session Hall ng Kamara para isang misa at necrological service na gaganapin mula alas 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Dakong ala una naman ng hapon, dadalhin na ang kanyang mga labi sa Davao para mabigyan ng pagkakataon ang mga constituents nito na makiramay at masilayan sa huling pagkakataon ang dating kongresista.

Facebook Comments