PRRD, dumalaw sa burol ni Elizabeth Gokongwei kahapon

392

Muling nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya Gokongwei.

Ito ay matapos dumalaw ang pangulo sa burol ni Elizabeth Gokongwei, ang misis ni late business tycoon John Gokongwei kagabi sa Heritage Memorial Park sa Taguig City kahapon.


Kasama ni Pangulong Duterte sa pagdalaw sa burol si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Mababatid na sa kumpirmasyon ng pamilya, ang Gokongwei matriarch ay namayapa nitong Sabado sa edad na walumpo’t lima, isang linggo matapos ding mamayapa ang kaniyang asawa.

Ang Gokongwei JG Summit Holdings ay may hawak na mga negosyo kaugnay ng food and beverages, retail, real estate, banking at iba pa.

Facebook Comments

From Advertisers