PRRD, dumalaw sa lamay ni Henry Sy Sr.

Taguig City – Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya at kamag-anak ng namayapang business tycoon na si Henry Sy Sr.

Dumalaw ang Pangulo sa lamay nito sa Heritage Memorial Park sa Taguig City Linggo ng gabi (January 20).

Sa statement ng Malacañang, higit isang oras nanatili ang Pangulo sa lamay.


Makikita rin sa mga litrato na nakipagkamayan ang Pangulo kay Teresita Sy-Coson, anak ng namayapang business tycoon.

Pagkatapos nito, dumiretso ang Pangulo sa kabaong kung saan nakahimlay ang SM founder para masilayan ito sa huling pagkakataon.

Si Sy ay binawian ng buhay habang natutulog nitong Sabado ng umaga sa edad na 94.

Tinagurian si Sy na pinakamayamang tao sa Pilipinas mula 2005 hanggang 2018 at ika-52 pinakamayaman sa buong mundo ayon sa Forbes.

Facebook Comments