PRRD, dumalo sa Final Inspection ng NLEX ng DOTr

Pinangnahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang Final Inspection ng Department of Transport o DOTr sa North Luzon Expressway o NLEX kahapon.

Sa kanyang talumpati, muli naman niyang ibinida ang kanyang build, build, build program, Anya ito ay isang patunay na seryoso ang kanyang administrasyon sa road infrastructure development sa bansa.

Umaasa naman ang pangulo na sa pagdating ng buwan ng December ngayon taon ay luluwag na ang mga pangunahing kalsa sa Metro Manila, dahil aabot anya sa 30,000 na mga trak at sasakayan ang mada-divert ang ruta pag tuluyan ng macompleto ang konstruksyon ng NLEX.


Sa ngayon anya ay nasa 90% na ang natatapos na konstruksyon sa NLEX, pag matapos na anya ang natirirang 10%, makakatulong anya ito na mabigyan ng sulosyon ang mga choke point sa ilang lungsod ng Metro Manila tulad ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Ang NLEX ay may habang 2.6 kilometers elevated expressway, na kung dati ang biyahe mula Caloocan Interchange, C3 Road hanggang sa Radial Road 10 ng Navotas City ay umaabot ng isang oras, pagmatapos ang NLEX aabot nalang ito ng 10 minuto.

Facebook Comments