PRRD, dumating na sa South Korea para dumalo sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit

Dumating na sa South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit ngayong araw hanggang bukas, Nov. 26.

Lumapag ang eroplano ng Pangulo sa Busan, South Korea kaninang ala-una ng madaling araw.

Sinalubong ang Pangulo nina Philippine Ambassador to the Republic of Korea (ROK) Noe Wong, Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, at iba pang opisyal ng South Korea.


Kabilang sa mga tatalakayin sa Summit ang kalakalan at pamumuhunan, Innovation and Smart City Development, Biodiversity, Countering Transboundary Challenges, People-to-People Exchanges, Disaster Management, Cybersecurity, Regional Security, Pagpapalakas sa Kooperasyon sa Maritime Security at iba pa.

Inaasahang matatalakay ang Denuclearization ng North Korea.

Magkakaroon ng Bilateral Meeting sina Pangulong Duterte at South Korean President Moon-Jae in mamayang hapon para talakayin ang mahahalagang isyu kabilang ang Edukasyon, Free Trade at Fisheries.

Facebook Comments