PRRD, dumipensa matapos i-veto ang security of tenure bill

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sapat ang safeguards para sa business sector ang security of tenure bill, kaya niya ito nai-veto.

Ayon sa Pangulo – hindi patas ang panukala at nais niya ang bersyong balanse sa interes ng mga manggagawa at mga emloyer.

Aniya, hindi nito sinunod ang proposal ng National Economic and Development Authority (NEDA).


Kailangan ding isipin ang kapakanan ng mga negosyo sakaling mayroong mga ‘indolent’ at ‘incompetent’ na manggagawa.

Dagdag pa ng Pangulo – ang security of tenure ay dapat ding magbigay ng ‘security of capital.’

Pinuri naman ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pag-veto ng Pangulo sa panukala.

Samantala, sinabi ni Senate President Tito Sotto III na muli niyang isusulong ang panukala ngayong 18th Congress.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal nito ang labor subcontracting at lilimitahan ang job contracting sa licensed at specialized services.

Facebook Comments