PRRD, ginaya si Quiboloy; Problema sa droga, dapat nang ma-stop!

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Stop!” para mahinto ang problema ng ilegal na droga sa bansa.

Ginaya ng Pangulo ang ginawa ng kanyang kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy na sinasabing nagpahinto ng 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Mindanao nitong Oktubre.

Biro ng Pangulo – sa isang salita lamang na “stop” ay matitigil ang paglaganap ng droga sa bansa.


Bago ito, hiniling din ng Pangulo na magkaroon din siya ng ganitong kapangyarihan para mahinto ang korapsyon.

Facebook Comments