PRRD, gustong panagutin ang mga responsable sa banggaan ng 2 tren ng LRT- 2

Nakaantabay din si Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging resulta ng imbestigasyon sa banggaan ng dalawang bagon ng Light Rail Transit o LRT Line 2 noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng Pangulo na maparusahan ang sinumang may pananagutan sa insidente kung saan 34 katao ang nasugatan.

Una nang bumuo ng fact-finding committee ang pamunuan ng LRT para alamin kung bakit gumalaw ang dead train sa pocket track sa Anonas.


Facebook Comments